Napadaan at Napatingin

Mga daho’y nagsisilagas
sa isang punong Acacia.
Lumuluha ng
dilaw at luntian
unti-unting dumadaloy
sa magasping na pisngi.

Marahang iwinawasiwas
mga sangang nangangawit
at pagod habang
pilit itinutuwid ang
baluktot na katawan na
nilipasan na ng panahon.

Kasabay nito,
paglapit ng isang batang
malayang tumutulay sa mga ugat
animo’y tsoklateng natunaw
sa lupa habang
binibilad ng tirik
na araw isang hapon.

Ito’y umakyat
sa malalapad nitong sanga,
manghang nakita
mistulang ginintuang rosas at dalandan
sa kalangitan
mayat maya’y sa abo na lamang
ang kahihinatnan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s